Pangarap  

Posted by Blue

Ganito ba talaga ang buhay? Bakit sadyang kay lupit naman yata ang napunta sa akin? Hindi ko lubos maisip kung ang pagkakaroon ko ba ng laptop ay isang panaginip lamang o ang pagsuot ko ng mga Armanis na damit at pagmaneho ng Ferrari ay isang malaking kahibangan lamang. Naalala ko tuloy ang aking ina. Sabi niya magsikap daw ako upang maabot ko ang lahat ng aking inaambisyon. Ngunit hindi lamang basta-basta ambisyon ang lahat ng mga iyon. Kasama sa mga iyon ang aking pangarap na pilit kong inaabot hindi lamang para sa aking sarili kundi sa buong sanlibutan. Noong bata pa ako. Talagang mahilig ako mangambisyon. Minsan na ngang nagpatihulog sa hagdan ng paaralan para lamang magaya si Spiderman . Nawasak ang teacher's cabinet dahil pilit na maging si Batman . May pagkakataon ding tahimik lang para purihin bilang mabait na bata ng karamihan. Hay, sadya talagang mapaglaro ang mga pagkakataon sa akin. Ngunit, sa kabila ng mga iyon ay akin pa ring natanto na hindi lahat ng aking mga ambisyon ay makakabuti sa karamihan. Naisip ko rin na ang pagkakaroon ng labis na yaman ay walang bisa kapag hindi mo ibinahagi sa iba. Higit ka pa sa kanino mang pulubi sa buong mundo kapag hindi mo pinahalagahan ang disiplinang "pagbibigay ng kahit anuman sa iba kapag mayroon naman." Sa aking paglaki, hindi lamang disiplina at karunungan ang aking natutunan at nakuha. Sa mga taong nakapaligid sa akin aking mapapatunayan na nandoon din pala ang pagmamahal sa aking puso. Eh panu ba naman ako magkakaroon ng passion sa pagtulong sa world kung wala akong pagmamahal? Hahaha. Tama. Higit na mahalaga ang kabutihan para sa nakakarami. Noon, kung kaya kung masaktan para sa sarili kong kagustuhan. Ngayon, kayang-kaya kong isaalang-alang ang sarili kong kaligayahan para sa kapakanan ng karamihan. Tama nga ang sinasabi nila na hindi mahalaga ang materyal na bagay sa mundo. Siguro kung iniisip ko man noon na ang pagkakaroon ng laptop ay mahalaga ay dahil siguro sa kagustuhang makapantay rin sa kaklase. Bagkus, higit na mahalaga na mayroon kang buhay na matulungan at mabigyan ng bagong pag-asa. Ngayon, ayaw ko ng marinig pa ang sarili kong bunganga na magrereklamo sa buhay. Ika nga "enjoy life to the fullest without any what if's." Kaya ikaw. Easy lang. Don't worry. Be happy!

This entry was posted on 1:44 AM and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments